Tuesday, 1 September 2015


     Magandang araw sa iyo! Ako nga pala si Ara at ang layunin ko ay maghatid sa inyo ng karagdagang kaalaman kung paano pasasarapin ang pagkaing gawa sa gulay na tiyak magugustuhan ng mga anak mong pihikan sa pagkain. Maaaring ang nasa isip mo ngayon ay imposible itong mangyari pero, ah ah ah nagkakamali ka. Ang mga kabataan sa ngayon ay halos mamatay –matay kung makakakain ng gulay. Ang dami –dami nilang rason kung bakit ayaw nilang kumain ng mga ito, keso pangit ang lasa, hindi masarap at kung ano –ano pang mga dahilan na siyang naglalayo sa kanila sa nutrisyon na binibigay ng gulay. Labis ang aking pagtataka kung bakit takot ang ilang mga bata sa pagkain ng gulay. Kasalanan ba mismo ng gulay o kasalan ng kanilang mga inay?
     Mahalaga ang pagkain ng gulay. Isa ito sa mga pagkain nakapagbibigay ng malaking pursyento ng nutrisyon sa ating katawan. Oo ngat nagbibigay din ng nurisyon ang mga karne pero di hamak namang mas maraming naibibigay itong nutrisyon dahil sa natural at walang halong kemikal na pagkakagawa nito. Sa panahon kasi ngayon nauuso na ang instant kung kayat okay lang sa ibang mga magulang ang araw –arawin ang pagkain ng kanilang mga anak ng kung ano –anong pagkaing artipisyal. Lingid sa kanilang kaalaman ay inilalapit na pala nila ang kanilang mga anak sa sakit at kapahamakan. Bilang naging magulang ka responsibilidad mo ang kalusugan ng mga anak mo, tama ba na sanayin mo siya sa pagkain ng mga ganitong pagkain? Malamang mali. Ayon sa aking pananaliksik 7 sa 10 mga kabataan ang ayaw kumain ng gulay lalong –lalo na ang carrot dahil daw sa di maintindihang lasa at texture nito. Ngayon, ibabahagi ko ang ilan sa mga paraan upang magustuhan ng inyong mga anak ang pagkain ng gulay lalo na ang carrot. Kadalasan nating matitikman ang carrot sa soup o kaldereta ngayon maari mo ng gawing simple at katakam –takam ang carrot bilang pangmeryenda. Bakit hindi mo subukang gawin itong carrot chip o carrot burger patty? 
     Sa pamamagitan ng ganitong paraan ng paggawa ng malikhaing pagkaing gawa sa gulay ay matutulungan niyo ang inyong mga anak na mahalin at tangkilikin ang gulay na inihahain mo sa hapag kainan. Nagugustuhan na nga ng iyong anak nadadagdagan pa ang lakas ng pangangatawan nito. Sana ay meron kayong natutunan sa akin ngayong araw na ito. Tandaan ang pagkain ng gulay ay mahalaga para sa buhay na mas maginhawa.  

No comments:

Post a Comment